Sunday, July 7, 2019

Filipino Online Dictionary

Gusto mo bang maláman ang depinisyon ng salitâng nakita mo o alamin ang tamang ispeling ng isang salita? Mayroon nang online diksiyonaryo sa wikang Filipino na makikita sa www.kahulugan.com

Mula ang diksiyonaryong ito sa UP Diksiyonaryong Filipino, ang itinuturing na pinakaprestihiyosong diksiyonaryo sa Filipinas.

Ang editor nitó ay si Virgilio S. Almario, ang kasalukuyang tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at inilimbag ito ng Sentro ng Wikang Filipino (SWF) sa University of the Philippines Diliman.

Naglalamán ito ng lahok hindi lang mula sa bokabularyong Tagalog (na batayang wika ng Filipino), kundi pati ng mga ibá pang katutubòng wika ng Filipinas. Alinsunod ito sa mandato ng Konstitusyong 1987 na pagyamanin at idevelop ang wikang pambansa salig sa mga umiiral na mga wika sa bansa.

No comments: